10 Pinoy na Biktima ng Job scam, Nakabalik na mula Cambodia – DFA

10 Pinoy na Biktima ng Job scam, Nakabalik na mula Cambodia – DFA

April 25, 20251 min read

 

Manila, PH- Nakabalik na sa bansa  ang 10 Pilipinong nabiktima ng pekeng job offer sa Oddar Meanchey, Cambodia  nitong April 20 Linggo ng umaga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na naisakatuparan ang repatriation ng sampung Pinoy sa tulong ng Cambodian law enforcement authorities at ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.

 

Makalipas ang siyam na oras nilang byahe, agad binigyan ng care packages at hot meals ang grupo, at binayaran din ang kanilang repatriation flight mula sa Assistance to Nationals (ATN) Fund ng DFA.

 

Muli namang pinaalalahanan ng mga otoridad ang publiko, salig sa Embassy Advisory No. 09-2025, na mag-ingat sa mga job offers na nakikita lang sa social media na maaari lang nilang ikapahamak.

 

Photo Source: Department of Foreign Affairs

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.