
Opisyal na Pagsisimula ng Santo Papa sa Kanyang Misyon
VATICAN, ROME, ITALY— Opisyal nang nagsimula si Pope Leo XIV bilang 267 Santo Papa ng Simbahang Katolika noong Mayo 18, 2025.
Ito ay matapos isagawa ang Petrine Ministry ni Pope Leo XIV na sinamahan ng mahigit 200,000 mananampalataya sa St, Peter’s Square sa Vatican City.
Maraming mga Pilipino ang nakiisa sa misa at nagbigay suporta kay Pope Leo XIV sa isinagawang Inaugural Mass, at nagpasalamat ang Santo Papa sa mga nakiisang deboto, kardinal, pati mga world leaders at religious delegations tulad ng Jewish, Muslim at iba pa.
Nagsimula munang mag-ikot si Pope sa St Peter's Square hanggang sa Via Della Conciliazione, sakay ng kanyang Popemobile, para batiin at magbigay ng blessings sa mga mananampalatayang makikiisa sa Inaugural mass.
Ilang mga pamilyang Pilipino na magkakasamang dumalo na nagpakita ng pagmamahal kay Pope.
Nauna dito ang mga nakakita kay Pope sakay ang Popemobile, sinabi ng mga Pilipinong taga-Roma na nakakagaan ng pakiramdam ang pagkakita kay Pope Leo at dinasal nilang maging masmatibay si Pope.
“We feel so blessed, so lucky. We are happy to have a new Pope, Pole Leo XIV. The responsibility he is going to take is humongous;” sabi ni Irene Coo mula Bacolod, pagkatapos makita si Pope Leo.
“We love you Pope,” sigaw ng ilang kabataang Pilipino.
Sinabi naman ng 10 taong-gulang na Pinoy na lumaki sa Calabria, Italya, “ I know he is a good person, that's why he comes a Pope."
Sa inaugural mass ni Pope Leo, tinalakay nya sa kanyang homily ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao at pagiging isang pamilya o ang pagkakaisa ng simbahan, gayundin ang kapayapaan sa mundo.
“In the face of a world marked by so much discord and wounds caused by hatred, violence, prejudice, fear, and economic reality “that exploits the Earth’s resources and marginalises the poorest, we want to be a small leaven of unity, communion, and fraternity within the world,” sabi ni Pope.
"We want to say to the world, with humility and joy: Look to Christ! Come closer to him! Welcome his word that enlightens and consoles! Listen to his offer of love and become his one family: in the one Christ, we are one," ayon sa Papa.
"This is the path to follow together, among ourselves but also with our sister Christian churches, with those who follow other religious paths, with those who are searching for God, with all women and men of good will, in order to build a new world where peace reigns!"
Nagpasalamat din si Pope Leo sa lahat ng mga suporta at nagdasal mula sa conclave at pagpili ng bagong successor ni St Peter.
"I was chosen, without any merit of my own, and now, with fear and trembling," said Pope Leo, "I come to you as a brother, who desires to be the servant of your faith and your joy, walking with you on the path of God’s love, for he wants us all to be united in one family," ayon kay Papa Leon.
Ginampanan ni Cardinal Luis Antonio ang pagbibigay ng Fisherman’s Ring kay Pope Leo kung saan nakalarawan sa singsing si St Peter, mga susi at net. Sumisimbolo ang tiwala at gampanin na ibinigay sa bagong Santo Papa.
Nakatanggap din si Pope Leo ng pallium o woolen vestment mula kay Cardinal Dominique Mamberti na sumisimbolo sa pagtanggap nya ng responsibilidad bilang pastol o Supreme Shepherd, na gabay ng Simbahang Katolika.
Sa pagtatapos ni Pope Leo, inulit nya ang panawagang itigil na ang nangyayaring giyera sa mga lugar ng Gaza, Myanmar at Ukraine.
“In the joy of faith and communion, we cannot forget our brothers and sisters who are suffering because of war,” ayon kay Pope Leo.
Pagkatapos ng misa, isang pribadong pagkikita isinagawa ni Pope Leo at Ukraine President Volodymyr Zelensky, sumunod dito ang iba pang mga lider ng mga bansa tulad ng US, Peru, Colombia, Australia at iba pa.
Photo Source: Vatican News