
Ricky Davao, 63, Apat na Dekadang Nagtanghal sa Showbiz
MANILA, PH — Pumanaw noong Mayo 2 ang premyadong aktor ng telebisyon, teatro at pinilakang tabing, Ricky Davao sa edad na 63.

"Pahinga ka na, Sir Ricky," ang mensahe ng produksyon para sa isa nilang batikang talent.
Ayon sa Viva Entertainment, "sa loob ng apat na dekada, tampok si Davao sa hindi mabilang na mga pelikula—bilang bida man o kontrabida."
Ayon sa mga ulat, na-diagnose ang aktor ng terminal illness noong 2024. Kinumpirma naman ng kanyang anak na si Ara Davao sa isang social media post na ang pagpanaw ng ama ay dahil sa kumplikasyon dahil sa cancer.
Nakilala si Davao sa drama, action at maging sa comedy. Ipinamalas niya ang husay maging sa pagganap bilang isang bakla.
Ikinasal siya sa aktres na si Jackielou Blanco at mayroon silang mga anak na pumasok na rin sa showbusiness.
Kilala rin sa drama at action ang kanyang kapatid na si Bing Davao at amang veteran actor na si Charlie Davao.
Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang actor-director na si Frannie Zamora at mga nakasamang aktor sa entablado.
Photo Source: FB VIVA ENTERTAINMENT, RICKY DAVAO IG