
Alex Eala Bigong Makaabante Sa Australian Open 2026
Cover image courtesy: Australian Open 2026 Facebook
MELBOURNE, Australia—Bigo si Alex Eala na makaabante sa 2nd round ng Australian Open 2026 Women's singles sa Melbourne Park ngayong Lunes, 19 Enero 2026, matapos talunin ng American na si Alycia Parks sa first round, 6-0, 3-6, 2-6.
Malakas ang umpisa ni Eala sa kanilang match ni Parks bunga na rin ng todo-suporta ng kanyang Filipino fans na nanonood.
Lamang si Eala sa unang set, pero nag-iba ang ihip ng hangin sa mga sumunod na set.
Ang World No. 100 na si Parks, tuluy-tuloy lang ang momentum hanggang sa "decider" na 3-1 bago nakabawi si Eala sa fifth game.
Ngunit naka-balik sa kanyang porma si Parks pagdating ng seventh game.
Si Eala naman, na World No. 49, hindi sumuko sa 0-30 deficit sa eighth game at nakagawa ng dalawang break points. Ngunit, nabawi agad ni Parks ang match point sa isang malakas na forehand hit, na sinundan ng isang malupit na serve na hindi kinaya ni Eala.
Susunod na makakalaban ni Parks sa round two si Karolina Muchova ng Czechia.
Samantala, kahit hindi nagtagumpay si Eala, nagawa pang makihalubilo at pasalamatan ang kanyang fans pagkatapos ng laban kay Parks.

