amis-paris-manila-art-event

Paris At Manila Based Artists Ibinida Ang Kanilang Mga Obra Sa Exhibit Sa Paris

September 09, 20252 min read

PARIS, France—Creativity, cultural exchange at friendship across borders- ito ang tema ng exhibit na may pinamagatang “Amis(Friends) : Manille et Paris- Paris et Manille” na ginanap sa International Arts Gallery at inorganisa ng Galerie A et Ci. Ang cross cultural exhibit na ito ay nagbubuklod sa mga Paris based artists at Manila based artists.

Ayon sa curator na si Cecil Lane ang mga Manila based artists ay mga kaibigan nya mula sa University of Sto. Tomas. Masaya naman sa konsepto ang mga Paris based artists na sina Viviane Mauske, Lovelie Albarracin at Leslie Aranas at muli nilang naibahagi ang kanilang mga obra. “We just hope to foster friendship among the French artists and they’re very good and I’m very proud to be with them”, ayon kay Cecil.

Sa pagbisita ng bagong Philippine Ambassador to France Eduardo José de Vega sinuri nya isa isa ang bawat obra na sumasalamin sa ating kultura, kathang isip gamit ang mixed media, oil, water color, acrylic at pastel. Nagbigay papuri sya sa talento ng mga Pinoy artists. Nakatawag pansin sa kanya ang obra ni Eric Dimarucut na may titulong “The Dreamer” na sumasalamin sa pangarap at pagsisikap ng mga OFW para sa kanilang pamilya. Aniya, “I have just arrived in Paris a few days ago as the new Philippine Ambassador and as soon as now I can already see Filipino artists are getting attention of all places in France. Everytime nasa isang gathering ka palaging may natututunan ka in a particular artwork like the human condition. I’m proud of our Filipino artists”

Sa pangunguna ng Pinoy artist Dick Villanueva kasama ang mga Pinoy based artists nag abot sila kay Ambassador de Vega ng isang painting ng kariton simbolo ng mga paglalakbay, bilang token of appreciation sa kanyang pagbisita sa kanilang exhibit.

Ipinagmalaki naman ng may ari ng galerie na si George Levy ang mga obra ng mga Pinoy artists. Aniya, ito na ang ikatlong beses na nagkaroon ng exposition ang mga Pinoy artists sa International arts Galerie. “They are artists of diversity with a lot of colors and sentiments. You can see their presence in their artwork and it’s my pleasure to meet them and have them here.”

Ang mga UST Alumini artists ay binubuo nina Dean Mary Christie Que, Babeth Cheng, Sheldon Villanueva, Jun Lopez, Edgar San Diego, Willie De Vera, Jun Quinton, Osler Ladia, Alex Dre Medina, Roland Arcebal, Phoebe Beltran Almazan, Viviane Mauske, M.C Lapena and Dante Enage. Ang mga Paris based artists ay sina Francis Eric. Dimarucut, Dick Villanueva, Veraldo Guevarra, Leslie Farol Aranas, Lovelie Albarracin, Cecil Lane and Harold Khan-Vienna Austria.

Panoorin ang video:

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.