Ano ang nasa loob ng kabaong ni Pope Francis?

Ano ang nasa loob ng kabaong ni Pope Francis?

April 25, 20251 min read

Text and Artcard: Raffy Reyes


Biyernes ng gabi, April 25, pinangunahan ni Cardinal Kevin Farrel ang Camerlengo ng Holy Roman Church ang pagselyo ng kabaong ni Pope Francis para sa kanyang libing nitong Sabado, April 26.

Pero ano nga ba ang mga isinama sa loob ng kabaong?

Puting belo

puting belo

Alinsunod sa tradisyun, ang kanyang mukha ay tinatakpan ng puting belo na gawa sa sutla.

 

Kahulugan: Ang belo ay sumisimbolo ng dignidad at kabanalan, at ito rin ay pagpapakita ng paggalang sa katawan ng yumaong Santo Papa. Isa rin itong paraan ng pagsasabi na ang kanyang tungkulin sa mundo ay tapos na, at ngayon ay nasa piling na siya ng Diyos.

 

Supot ng barya

Supot ng Barya

Kahulugan: Karaniwang nilalagay ito sa loob ng kabaong bilang tanda ng pagiging pastol ng Simbahan at bilang simbolo ng kanyang pagkalinga sa mahihirap. Ang bilang ng barya ay maaaring tumutugma sa bilang ng mga taon ng kanyang pontipikado (panunungkulan bilang Santo Papa).

 

Rogito

rogito

Kahulugan: Isa itong opisyal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang detalye ng buhay, mga gawain, at pamumuno ng yumaong Santo Papa. Inilalagay ito sa loob ng kabaong upang magsilbing tala sa kasaysayan.

Ang panloob na sapin ng kabaong na gawa sa zinc ay tinatakan

panloob na sapin na gawa sa zinc

Kahulugan: Ang sapin sa loob ng kabaong ay gawa sa zinc at ito ay maingat na sinelyuhan bilang bahagi ng ritwal ng paggalang at pangangalaga sa mga labi ng Santo Papa. Sa loob nito ay makikita rin ang eskudo de armas ni Santo Papa Francisco, at isang plakang metal na naglalaman ng kanyang pangalan, haba ng kanyang buhay na 88 taon, 4 na buwan, at 4 na araw, at ang tagal ng kanyang panunungkulan bilang Santo Papa—12 taon, 1 buwan, at 8 araw. Ang mga ito ay nagsisilbing permanenteng tala ng kanyang makasaysayang buhay at paglilingkod.

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.