
Kapamilya, Handa Na Ba Kayo Para Sa #ASAPEngland?
BIRMINGHAM, England—Hindi na mapigilan ang excitement dahil ilang oras na lang ay magpapasiklab na ang buong ASAP family para sa #ASAPEngland.
Kahapon, sunud-sunod na treat para sa fans sa pamamagitan ng mga meet-and-greet session sa kanilang mga paboritong ASAP at Kapamilya artists ang ginanap sa Birmingham. And wait! There's more! Nagpatikim din ng preview ang mga performer sa kanilang rehearsals. Siyempre, hindi ito pinalampas ng mga kababayan sa England.






Kabilang sa mga magpe-perform ang mga ASAP Royalties na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Zsazsa Padilla, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Costantino, Klarisse De Guzman, KZ Tandingan, Jona at Morisette.



Kasama rin nila ang The Voice USA Champion na si Sofronio Vasquez, pati na sina Jame Reid, Joshua Garcia, Kyle Echari, Maki, AC Bonifacio at Bamboo. May promise din ng pasabog na performance ang Nation's Girl Group BINI, na first time makakasama ng ASAP sa abroad.
Pero hindi rin makukumpleto ang ASAP crew kung wala sina Darren Espanto, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Robi Domingo, Edward Barber, Maymay Entrata at siyempre ang KimPau, Kim Atienza at Paulo Avelino. Si Meme Vice Ganda naman, nag-promise na ng patikim mamaya sa naging concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Colisseum kamakailan.



Ito ang pagbabalik ng ASAP sa England makalipas ang isang dekada. Ang ASAP England ay bahagi ng ika-30 anibersaryo ng TFC, The Filipino Channel, sa paghahatid ng dekalidad at world class entertainment mga Kapamilya saan mang sulok ng mundo.
Photos: Paul Fernandez, TFCN Birmingham