๐—”๐—ฆ๐—˜๐—”๐—ก, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€; ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—œ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป

๐—”๐—ฆ๐—˜๐—”๐—ก, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€; ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—œ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป

November 18, 2026โ€ข2 min read

Photo credit : Joan Bondoc/PNA

MANILA, Pilipinas (DMW News release) โ€” Pinagtibay ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong Nobyembre 15, 2026 ang Declaration on Fair, Safe, Ethical and Sustainable Recruitment for Empowered Migrant Workers sa ika-49 na ASEAN Summit, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na labanan ang illegal recruitment, human trafficking, at iba pang uri ng pananamantala sa mga manggagawang nangingibang-bansa. Bunga ng halos dalawang taong konsultasyon at talakayan ng mga bansang kasapi, nakatuon ang deklarasyon sa pagpapalakas ng transparency at accountability sa recruitment, kabilang ang pagkilala sa mga umiiral na sistema ng regulasyon at paglilisensya ng bawat bansa.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, mahalagang magkaroon ng pagkilala at pagtitiwala sa mga proseso ng recruitment sa buong rehiyon upang matiyak na lehitimo ang mga ahensiya at employer na kumukuha ng mga manggagawa. Kabilang dito ang paglilisensya ng recruitment agencies, pagproseso ng mga kontrata sa Department of Migrant Workers (DMW), at pagtiyak na may wastong work visa ang mga manggagawa. โ€œHindi lamang ito tungkol sa pagkilala sa ating mga proseso. Dapat ay may tiwala rin tayo sa mga employer na kumukuha ng ating mga manggagawa. Kailangang masuri kung lehitimo ang kanilang operasyon, maayos ang kanilang katayuan, at may kakayahan silang tiyakin ang proteksyon ng ating mga kababayan,โ€ diin ni Secretary Cacdac.

Kabilang din sa mga isinusulong ng deklarasyon ang pagpigil sa labis na placement fees, pagbibigay ng sapat na impormasyon bago ang deployment, at pagpapahusay ng mga mekanismo sa pagtugon sa reklamo at pagbibigay ng legal na tulong sa mga migrant worker. โ€œDapat alam ng ating mga manggagawa ang kanilang papasukang trabaho at ang kalagayan sa bansang kanilang pupuntahan bago pa man sila umalis ng Pilipinas. Hindi dapat sila nangangapa pagdating sa ibang bansa. Kailangan nilang maging handa at may sapat na impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at mga mekanismo ng proteksyon,โ€ dagdag ng kalihim. Inaasahang magsisilbing gabay ang deklarasyon sa pagtutulungan ng mga bansang ASEAN upang mapanatili ang makatarungang recruitment at matiyak na may malinaw na paraan para makahingi ng tulong at makamit ang hustisya ang mga manggagawang nakararanas ng pang-aabuso.

The Filipino Correspondent Network

The Filipino Correspondent Network

From Europe to the Middle East, the US to Asia Pacific and beyond โ€”our seasoned correspondents bring you the latest in community, national, and global news

Instagram logo icon
Youtube logo icon
Back to Blog

ยฉ The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.