Bagyong Tino, Nagdulot Nang Malawakang Pinsala Sa Kabisayaan at Mindanao

Bagyong Tino, Nagdulot Nang Malawakang Pinsala Sa Kabisayaan at Mindanao

November 04, 20252 min read

MANILA—Patuloy ang pananalasa ng Bagyong Tino (International Name: Kalmaegi) sa gitnang bahagi ng Pilipinas matapos itong mag-landfall nang maraming beses ngayong madaling araw, na nagdulot ng malawakang pagbaha, pinsala sa imprastraktura, at sapilitang paglikas sa libu-libong residente.

pagasa pagasa

Base sa PAGASA tropical cyclone bulleting no. 12,nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 ang mga sumusunod na lugar:

Western at Southern Leyte

Southern Leyte

Northern at Central portions ng Cebu (kasama ang Camotes Islands at Bantayan Islands)

Northeastern portion ng Bohol

Northernmost portion ng Negros Oriental

Northern portion ng Negros Occidental

Guimaras

Central at Southern portions ng Iloilo

Southern portion ng Antique

Dinagat Islands

Siargao at Bucas Grande Islands

cebu

Families living near the Cebu Provincial Capitol take shelter inside the building due to heavy rains brought by Typhoon Tino./Cebu Province Facebook

southern leyte

Damaged houses and uprooted trees in Silago, Southern Leyte where Typhoon Tino made its first landfall at 12 a.m. (PST) on Tuesday, 4 Nov. 2025./Philippine News Agency (PNA)

bacolod

As of 8 a.m. (PST), 4 Nov. 2025, Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 is raised in the northern portion of Negros Occidental, including Bacolod City. | 📷John Dale Salazar via Philippine News Agency (PNA) Facebook

Namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa paligid ng Sagay City, Negros Occidental kaninang umaga. Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, taglay ni Tino ang maximum sustained winds na 150 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na umaabot sa 205 km/h.

Ilang beses na itong nag-landfall sa Visayas: una sa Silago, Southern Leyte bandang alas-12:00 ng hatinggabi (Ph Standard Time, PST); pangalawa sa Borbon, Cebu bandang 5:10 a.m.; at pangatlo sa Sagay City, Negros Occidental bandang 6:40 a.m.

Nagdulot ang bagyo ng matindi hanggang sa malakas na pag-ulan na nagresulta sa pagbaha sa maraming komunidad, lalo na sa Cebu at Leyte, kung saan iniulat ang pagkaantala sa kuryente at komunikasyon.

Libu-libong pamilya ang dinala sa mga evacuation center. Kanselado rin ang ilang domestic flight at sinuspinde ang biyahe ng mga barko. Humigit-kumulang 3,103 na pasahero, driver, at cargo helper na stranded sa iba't ibang pantalan.

Nagbabala ang PAGASA laban sa mga storm surge na aabot sa higit 3 metro sa mga baybayin ng Eastern Visayas at Caraga. Patuloy din ang pagsubaybay sa posibilidad ng lahar flow malapit sa Kanlaon Volcano dahil sa tindi ng ulan.

Inaasahang tatawid si Tino sa Northern Palawan bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.

Cover image: PAGASA

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.