Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac

DMW: Walang Remittance Fee ang Money Transfers ng OFWs mula UAE

July 02, 20251 min read

MANILA, PHILIPPINES —Patuloy na remittance fee-free ang money transfers sa Pilipinas ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula United Arab Emirates (UAE).

Ito ang inanunsyo ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac sa kabila ng ikakasang remittance fees ng Emirates National Bank of Dubai (NBD) sa cross‑border payments sa pamamagitan ng DirectRemit service nito epektibo September 1, 2025.

“We deeply appreciate Emirates NBD for preserving fee-free transfers to the Philippines even as they introduce fees for other destinations. This is a clear sign of their understanding of how essential these remittances are for Filipino households,” ayon kay Cacdac.

Ang Pilipinas, maging ang ibang bansa tulad ng United Kingdom, ay kabilang sa anim na bansang pinagkalooban ng fee-free money transfers ng Emirates NBD.

Ang mga OFWs sa UAE ay maaaring patuloy na gamitin ang Emirates NBD DirectRemit sa pamamagitan ng ENBD X o online banking para sa mabilis na pagpapadala ng pera sa Pilipinas.

“We likewise express our sincere gratitude to the UAE Government and the Ministry of Human Resources and Emiratisation (MOHRE) for fostering a supportive environment for migrant communities. Their cooperation ensures that OFWs can continue sending financial support to their loved ones without additional costs,” ayon kay Cacdac.

Mula September 1, 2025, ipapatupad ng Emirates NBD ang fixed Dh 26.25 (VAT inclusive) fee sa lahat ng international transfers sa pamamagitan ng ENBD X mobile app o online banking platform, maliban sa anim na exempted na mga bansa.


Photo Source: DMW

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.