
Emirates Magdadagdag Ng Apat Pang Weekly Flights Sa Manila Simula Abril
DUBAI, UAE—Good news, mga kababayan sa Dubai! Magdadagdag ng apat na weekly flights ang Emirates para sa Dubai-Manila.
Ayon sa report ng Gulf Today, bahagi ito ng growth strategy ng Emirates sa Southeast Asia at sa commitment sa Pilipinas.
Ang dagdag na flights ay magsisimula sa ika-2 ng Abril gamit ang flight number "EK 330" na lilipad tuwing Lunes, Miyerkoles, Huwebes at Sabado.
Gagamitin ng Emirates para sa flights na ito ang Boeing 777-3OOER na may walong private suites sa first class, 42 lie-flat seats sa business class at 304 spacious seats sa economy.
Kaya ng Boeing 777-3OOER na magkarga ng hanggang 20 tonnes ng cargo kahit puno ito ng pasahero.
Dahil diyan, mas malaki ang maibibigay na cargo capacity ng Emirates sa weekly operations nito sa Manila na makapagpapalakas ng imports at exports.
Ayon sa Emirates, ang expansion na ito ay magbibigay ng mas malawak ng choice at enhanced connectivity para sa mga corporate traveller, marine customer at maging ang malaking bilang ng mga Pilipino sa UAE, Saudi Arabia, Italy, Spain, USA, Kuwait, Germany, France, Netherlands, Switzerland, Turkey, Portugal at South Africa.

