
ENFID France Pinangunahan Ang Diaspora To Dialogue Conference
Tema ng conference: “Euro Pinoys in Motion -Shaping in the future through Leadership, Education, Bridging Culture and Sports in Europe”
PARIS, France—Naging matagumpay ang kauna unahang Diaspora To Dialogue Conference na ginanap sa Salle Polyvalent sa Paris noong Oct 11, 2025 na inorganisa ng European Network Filipino Diaspora, ENFID, France sa pamamahala ni Annie Estricomen - President ng Filcom France(CGAPF) at Financial Director of the ENFID Executive Committee.

Dumalo ang 16 na ENFID board members, leaders at delegates mula Malta, Italy, Austria, UK, Czech Republic at Poland kung saan ibinahagi ni Chairperson Marison Rodriguez ang layunin ng ENFID ang empower people, connecting communities and building nations.
Hinimok ni Ambassador to France Eduardo de Vega ang mga migranteng Pinoy na maging tulay sa iba ibang bansa sa Europa upang isulong at maging karugtong ng bansang Pilipinas.

Ayon kay Keynote speaker Linda Tinio- Deputy Chief sa Unesco ang pagkamasayahin at pagmamalasakit ay mga katangian ng mga Pinoy na ating maipagmamalaki sa gitna ng mga laban sa buhay na kanilang nararanasan sa pang araw araw dito sa abroad.

Tungkol naman sa edukasyon at kaalaman bilang tunay na yaman ang naging mensahe ni ENFID founding chairman Gene Alcantara. Sa kanyang panayam pinag-uusapan pa rin nila ang mga issue at hamon na kinakaharap ng Filipino community gaya ng immigration, ang elderly, mga undocumented, discrimination, etc. “The mere fact that we talk about things and agreeing what to do and getting the community for a common cause is good for the society.”
Connecting cultures naman ang naging tema nina Sarah at Marizel Rojas mula ENFID Austria.
May presentation naman si Aieshah Balmori mula sa ENFID Poland tungkol sa Youth Changemakers Forum. “Actually, a lot of people think that most of the youth are apolitical, what I notice is we are very much political and very active when it comes to the status of a lot of things because we, I guess, the culture is the generation and although sometimes it feels invisible to the other generations but for me everytime i talk to the youth most of them understand what’s happening in the whole world.”

Limang speakers din mula ENFID France ang naimbitahan at nagbahagi ng iba't ibang paksa: Dee Apilado - ibinahagi ang kanyang UNESCO at community work; Mimi Agbay- Duhamel - ALSE leadership and OFW empowerment; Mary Ydnel Villadores - resilience and volunteerism; Pierre Wage - entrepreneurship and migrant support; at Nikon Carriaga - coaching journey and founding of Swish & Handles.
Nagkaroon ng panel discussion at awarding sa mga speakers, organizers at sponsors.


