Fil-Italian, Hinatulan ng Habambuhay na Pagkabilanggo sa Pagpatay sa Dating Kasintahan sa Rome, Italy

Fil-Italian, Hinatulan ng Habambuhay na Pagkabilanggo sa Pagpatay sa Dating Kasintahan sa Rome, Italy

October 28, 2026•1 min read

Photo: ANSA

ROME, Italy—Hinatulan na ng habambuhay na pagkabilanggo ang 24-taong-gulang na Filipino-Italian na si Mark Anthony Samson mula Rome, Italy sa pagpatay sa dating kasintahan noong Marso 2025.

Ayon sa report ng Rome-based news agency na ANSA, kinasuhan ng Rome Assize Court ngayong Martes, Oktubre 27, 2026, si Samson, isang architecture graduate, ng aggravated murder sa pagpatay sa 22-taong gulang na statistics student na si Ilaria Sula.

Noong Marso 26, 2026, sinaksak ni Samson si Sula hanggang sa mamatay matapos na makitulog sa bahay ng biktima. Hinagis ang katawan ni Sula sa isang bangin sa Rome, na inilagay sa loob ng isang sako at iniulat na ipinasok sa maleta ang biktima.

Sa kasong aggravated murder ang akusado, na umamin sa krimen, kabilang ang aggravating circumstance ng premeditation—at ang pagtatago ng isang bangkay.

Noong Abril 2025, sinabi ni Samson sa pulisya na pinatay niya si Sula noong umaga ng Marso 26 matapos siyang magpalipas ng gabi sa kanyang flat.

Sinabi niya na pumunta ang babae sa apartment sa Via Homs, sa African Quarter ng Roma, noong gabi ng Marso 25, upang ibalik sa kanya ang ilang damit.

Nagpasyang manatili ang biktima sa bahay sa halip na sumakay ng night bus pauwi, ayon kay Samson.

Bago ang insidente, naghiwalay ang dalawa matapos ang ilang buwang pakikipagdate.

The Filipino Correspondent Network

The Filipino Correspondent Network

From Europe to the Middle East, the US to Asia Pacific and beyond —our seasoned correspondents bring you the latest in community, national, and global news

Instagram logo icon
Youtube logo icon
Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.