Filipino Artist Eliot Villaflor Circa Ipinakita Sa Brussels Ang Pagpinta Niya Gamit Ang Daliri

Filipino Artist Eliot Villaflor Circa Ipinakita Sa Brussels Ang Pagpinta Niya Gamit Ang Daliri

November 13, 20251 min read

BRUSSELS, Belgium—Nagpakitang gilas ang pamosong pintor na si Elito Villaflor Circa o mas tanyag sa tawag na ‘Amang Pintor’ nang bumisita sya sa Brussels nitong nakaraang Linggo, 9 November 2025.

Kilala sya bilang isang folk artist na gumagamit ng unconventional materials sa pagpipinta tulad ng kanyang sariling dugo ,buhok,toyo, mantika at iba pa.

Sa halip na paint brush, nakakapagpinta rin sya gamit lang ang kanyang mga daliri.

finger painting

Aniya, hind ito pagpapasikat lang, sa halip, ito ay pagpapakita ng paraan ng kanyang pagpoprotesta sa paggamit ng mga materyal na nakakasira sa kalikasan.

“Narito ako sa Europe para ibahagi ang advocacy ko sa mga kabataan , sa environment at the same time sa kultura at sining sa bansa.unang-una sa lahat, pinapalaganap ko yung indigenous art. indigenous art is a campaign against global warming. gumagamit kami ng indigenous material para kalampagin ang mundo na alagaan ang kalikasan”.

finger painting

Sa isang maikling workshop , ipinakita nya sa mga dumalo na maaring makalikha ng isang art gamit ang toyo at mantika.

Para naman kay Aurea Calanog, isang kilalang pintor sa Brussels, ngayon lang sya nakalikha ng isang imahe habang sumasayaw na nakapikit ang mata.

“We do this while we are dancing and also our eyes are closed. and this is what i get. i look at it as a bird who’s flying and trying to get the food that he needs. i am interpreting this like i’m dreaming something that i need to attain and i am trying to achieve this goal. it is a very nice experience”.

finger painting

Isa rin sa isinusulong ni Amang Pintor ang health at mental awareness. Mainam daw, anya, na pampaalis ng stress ang paggawa ng art.

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.