Libu-libong Bulaklak Pinadala Ng Netherlands Sa Vatican Para Semana Santa

Libu-libong Bulaklak Pinadala Ng Netherlands Sa Vatican Para Sa Semana Santa

April 03, 20261 min read

LISSE, The Netherlands — Sa ika‑40 pagkakataon, nagpadala ang Netherlands ng libu-libong bulaklak patungong Roma. Gagamitin ang mga ito upang muling palamutian ang St. Peter's Square sa Vatican para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

flowers

Bago ang biyahe ng kargamento ng mga bulaklak noong Martes, Marso 31, isinagawa ni Bishop Hans van den Hende ng Rotterdam at presidente ng Dutch Bishops' Conference ang tradisyunal na pagbabasbas sa mga bulaklak sa Keukenhof Garden sa Lisse.

Ayon sa tagapagsalita ng Stichting Bloemenpracht Rome, and organisasyon na nangangasiwa ng regalong mga bulaklak, 40 taon nang naglalaan ang Netherlands ng mga bulaklak para sa Vatican. Inaasahang darating ang kargamento sa Huwebes Santo. Binanggit ng tagapagsalita na ang pagpapatuloy ng tradisyong ito ay isang “napaka-espesyal na sandali” para sa kanilang organisasyon.

flowers

Ang dekorasyong mga bulaklak sa Vatican ay inihahanda sa pakikipagtulungan ng mga simbahan sa Netherlands at sektor ng flower growers. Bilang bahagi ng pagdiriwang, tumugtog ang music group na Kleintje Pils sa seremonya ng pagbabasbas, kabilang ang pagkanta ng pambansang awit na Het Wilhelmus at ng Pontifical Hymn.

Matapos basbasan, dinala ang mga bulaklak sa Roma sa pamamagitan ng refrigerated transport ng kumpanyang Van der Slot, na mula pa sa simula ay bahagi na ng tradisyong ito. Halos 7,000 libong mga bulaklak ang ibiniyahe ng halos 1,600 kilometro mula Netherlands hanggang Vatican kung saan nakahanda na ang mga Dutch arranger at florist. Sa pangunguna ng head arranger na si Piet van der Burg, bubuuin ang floral display sa St. Peter Square.

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.