
Los Cantantes De Manila Wagi Sa Busan Choral Festival
BUSAN, South Korea—Isang bagong karangalan na naman ang dala ng Los Cantantes de Manila (LCDM) para sa Pilipinas matapos nitong masungkit ang dalawang unang gantimpala at ang Best Conductor Award sa 2025 Busan Choral Festival and Competition na ginanap noong 30 October hanggang 02 November 2025 sa BEXCO Auditorium at Busan Cinema Center.
Tampok sa mga parangal ng grupo ang 1st Prize (Gold) sa Classical Mixed Category at 1st Prize (Gold) sa Ethnic/Traditional Category. Bukod dito, ginawaran din ng Conductor’s Prize ang kanilang tagapagturo na si Darwin Vargas bilang pinakamahusay na conductor sa buong kompetisyon.
“It is with great pride that we share the choir’s wins at the recently concluded 2025 Busan Choral Festival and Competition in Busan, South Korea!”, pahayag ng LCDM sa kanilang Facebook page.
Nakipagsabayan ang LCDM sa ilan sa mga pinakamahusay na koro mula sa iba’t ibang panig ng mundo at muling pinatunayan ang husay at disiplina ng mga Pilipino sa larangan ng musika.
Cover image: Los Cantantes De Manila (LCDM)

