
Macron: "Illegitimate protests bawal na!"
PARIS, France — Ipagbabawal na sa France ang mga "illegitimate" na protesta o demonstrations kasunod ng malawakang pinsala at gulong idinulot ng mga nagdaang protesta sa ilang bahagi ng bansa, partikular sa sentro ng Paris, nitong nakaraang weekend.
Sinabi ito ni French President Emmanuel Macron habang sinisikap ng pamahalaan na maibalik ang kaayusan matapos.
Matapos makipagpulong sa mga opisyal ng intelligence at matataas na opisyal ng pamahalaan nitong Huwebes, 22 Oct., sinabi ni Macron na papayagan pa rin ang mga demonstrasyong inorganisa ng mga kinikilalang grupo, bagama't maaari nilang baguhin ang mga rutang daraanan ng mga ito.
Gayunman, ipagbabawal ang mga protestang isinusulong ng mga indibidwal o grupong walang lehitimong awtoridad upang mag-organisa ng mga pagtitipon.
Matapos ang magulong rally noong nakaraang Sabado sa Paris at ilang parte ng France, nagpatupad ang gobyerno ng curfew sa ibang parte ng Paris.
At nito ring Huwebes, 22 Oct., ipinagbawal ng Prefecture de Police ang mga pagtitipon or rally matapos tanggihan ang request para sa permit ng high school at university student demonstration.
Ito ay para sa paghahanda na rin sa napipintong rally na magaganap sa Sabado, 24 Oct., na pangungunahan ng mga Yellow Vests, unions at mga Kabataan mula sa high school at university, sa reklamong mataas na presyo ng bilihin at educational services.
Ayon sa report dalawa ang tinatayang ruta ng mga rallyista: Bastille – Opera para sa Yellow Vests at Bastille – Nation.
Ayon naman sa French Prime Minister Sébastien Lecornu , paghahandaan ng gobyerno ang pagtalaga ng mas malaking police deployment.
Inilatag ni Interior Minister Laurent Nunez ang planong gamitin ang mga sundalo ng Sentinelle operation, ang mga sundalong nakatalaga sa mga train stations at major landmarks.
Karamihan naman sa mga Pinoy ang nakaantabay sa mga abiso ng gobyerno at sa mga pag-iingat na kailangang gawin tulad ng pag-iwas sa mga lugar na maaapektuhan ng rally.

