louvre heist

Mag-asawang Pinoy, Nakita Pa ang Jewellery Exhibit Bago Ang Nakawan Sa Louvre

October 20, 20252 min read

PARIS, France—Isang araw bago mangyari ang nakawan sa loob ng Louvre Museum sa Paris, France, nakunan pa ng litrato ng mag-asawang Filipino ang mga mamahaling antigong jewellery mula pa noong Napoleon era sa kanilang pagbabakasyon sa Europe, kung saan naiulat na natangay ng mga magnanakaw ang tinatayang €600,000 halaga ng jewellery noong umaga ng Linggo, Oktober 19, 2025.

Sa panayam ng TFCN, sinabi ni Cristina Acosta-Leonen na nakipagsiksikan pa ito sa mga turista para makunan ng litrato ng mga nakadisplay na jewellery na nakalagay sa loob ng mga salamin sa museum nang bumisita sya kasama ang asawa noong umaga ng Oktubre 18, 2025. Anya, mahigpit ang seguridad sa pagpasok sa loob ng Louvre Museum. Nakita pa nila ang mga nakakalat na pulis at sundalo sa labas at loob ng museum.

louvre tour pinoys

In photos: Ang mag-asawang Leonen sa kanilang tour sa Louvre isang araw bago ang nangyaring nakawan

Bago mag-alas-9 ng umaga, nakapila na silang mag-asawa at nakasama sa first batch ng mga museum goers na tinatayang may 50 katao. Anila, hindi naging mahigpit ang seguridad sa pagkuha ng litrato sa jewellery exhibit at maaari pang hawakan ang glasses ng pinaglalagyan ng mga ito.

“Sa jewellery, hindi mahigpit ang pagpapicture. Pwedeng hawakan yung salamin na pinaglalagyan. Ang daming nagselfie sa jewellery. Walang oras kung gano katagal kumuha ng litrato,” ayon kay Cristina sa panayam ng TFCN.

“Amazed ako sa emeralds kaya nakipagsiksikan ako para makunan ko ng litrato. Nagulat na lang kami nung mabasa namin na may robbery na nangyari kinabukasan,” kwento ni Cristy.

Ayon sa Reuters, tinatayang €600,000 na halaga ng Napoleon era jewellery ang natangay ng mga magnanakaw.

jewellery

In photos: Ilan sa mga naka-exhibit na Napoleon-era jewellery na nakunan ng litrato ng mag-asawang Leonan sa kanilang tour sa Louvre isang araw bago ang nakawan.

Ayon sa Culture Ministry, may 8 piraso ng jewellery ang nanakaw:

- Tiara mula sa jewellery set of Queen Marie-Amélie and Queen Hortense

- Necklace mula sa sapphire jewellery set ni Queen Marie-Amélie at Queen Hortense

- Earring, part of a pair mula sapphire jewellery set ni Queen Marie-Amélie and Queen Hortense

- Emerald necklace mula sa Marie-Louise set

- Pair of emerald earrings mula sa Marie-Louise set

- Brooch o reliquary brooch

- Tiara ni Empress Eugénie

-Large bodice knot (brooch) ni Empress Eugénie

Photos: Cristina Acosta -Leonen at Angelo Leonen

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.