
Mga Ralyista, Bigong Makapagmartsa matapos ang Demonstrasyon
TURIN, Italy - Mapayapang naglakad sa lugar ng protesta ang mga estudyante at iba pang katandaan sa Piazza Castello sa Turin, Italy.
Tumigil ang mga nagmartsa sa harap ng momumento at nagsabi ng mga hinaing ang tagapagsalita ng mga kabataan.

Inakyat din ng ilang kabataan ang large stone base ng colossal bronze sculpture ni Emanuele Filiberto of Savoy, the 2nd Duke of Aosta (1869–1931) na isang Italian General.
Karamihan sa mga nagrally ang mga kabataan na may kanya-kanyang sinasabi sa mga karatulang hawak at kapansin-pansin din ang pagsuporta ng ilang magulang at katandaan sa rally.
Ano nga ba ang ipinaglalaban ng mga kabataan sa Italya sa rally?
Maliban sa Turin, isinagawa rin ng libo-libong estudyante ng mga kilos- protesta sa ibang syudad sa Italya, tulad ng Milan, Florence, Rome at iba pa.

Naglakad sila sa mga kalsada ng Italya para magprotesta sa gobyerno ni Prime Minister Meloni partikular na ang patakaran ng gobyerno sa mga paaralan, high cost of living, pagtaas ng upa sa bahay at pagtaas sa military spending. Nais nilang itaas ang government spending sa pampublikong edukasyon at kondisyon ng mga eskwelahan.
Sa Ikalawang Sabado ng protesta sa Turin noong Oktubre 24, 2026, na tinawag nilang October 17th, nagkaroon ng tension sa pagitan ng mga nagprotestang kabataan at pulisya.
Binalak na maglakad ng mga nagprotesta mula Piazza Castello papuntang Via Po, subalit hinarang sila ng barikada ng mga pulis.
Tatlong beses nagkaroon ng tensyon at bigong makalakad ng masmalayo ang mga grupo ng estudyante.
Kahit sa kalsada na papasok sa Via Roma, nabigo ring pasukin ito ng mga estudyante kung saan ang daan papunta sa main commercial area ng Turin, kung saan nagsara ang ilang mga tindahan ng main stores o luxury brands.
Sa mass protest, isang nakamaskarang demostrator ang umakyat sa pedestal at sinunog ang litrato ni Meloni.
Sa kabila nito, naging handa ang pulisya laban sa magiging masamang kaganapan na maaring dulot ng welga tulad ng vandalism o looting na nangyari noong October 17.
Matatandang kinundina ni Meloni ang tensyon na nangyari noong Oktubre 17 at agad na nagpatupad ng mahigpit na batas na maiwasan ang marahas na partisipasyon ng kabataan o minor sa demonstrasyon.

