MULTI-AWARDED PINOY ANIMATOR, NOMINATED PARA SA BEST DIRECTOR SA 2026 CANADIAN SCREEN AWARDS

Multi-awarded Pinoy Animator, Nominated Para Sa Best Director Sa 2026 Canadian Screen Awards

March 30, 20262 min read

Cover image:Nominadoang multi-awarded Filipino animator Eddie ‘Bong’ Soriano’ssaCanadian Screen Awards parakanyangtv animation series, “The Bravest Knight”nagaganapinsaMay 28saCBC Broadcast CentresaToronto.

TORONTO, Canada—Isa na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage.

Dahil sa galing ng multi-awarded animator na si Eddie ‘Bong’ Soriano sa binuo niyang “The Bravest Knight” tv series, nominated siya bilang best director for animation sa 2026 Canadian Screen Awards na gaganapin sa May 2028 sa Toronto.

Ito na ang pangalawang nominasyon niya sa popular tv cartoon series. Una siyang na-nominate bilang best director sa Leo Awards British Columbia nung 2020.

Para kay Bong, ang “pagkaka-nominate sa akin ay isa na ring panalo.”

Hindi na bago kay Bong ang umani ng mga papuri at awards.

Ang dinirehe niyang “16 Hudson” Season 3 ay nagwagi bilang Best Animated Series sa 2025 Telly Awards. Una nang nanalo ang animation series sa nasabing award-giving body nung 2021.

Naging nominado rin ang “16 Hudson” sa Leo Awards British Columbia sa Best Picture Editing nung 2022.

Ang kanyang “1001 Nights” na produced ng Big Bad Studios ay hinirang na Best Animated TV Series sa Leo Awards British Columbia nung 2012.

Kinilala rin ng Emmy Awards ang kanyang Christmas Special, “Arthur’s Perfect Christmas” nung 2000 kung saan binigyan siya certificate of appreciation

poster

“The Bravest Knight” tells the story of a young pumpkin-farmer-turned-knight, Sir Cedric, was created by Daniel Errico and directed by seasoned Filipino animator, Eddie ‘Bong’ Soriano, for Big Bad Studios. Image courtesy of Big Bad Studios /Hulu

Nagsimulang nagpakita ng kakaibangtalent sa pag-drowing si Bong nang nagging editorial cartoonist siya sa The Quezonian, official student publication ng Manuel L. Quezon University nung 1980s.

Pumasok siya sa professional industry bilang in-betweener sa FilCartoons sa Pilipinas, 1987.

Nagbukas ito ng maraming oportunidad para magtrabaho at mahubog na world class animator sa sikat na global brands tulad ng Walt Disney, Warner Brothers at Hanna-Barbera.

Humanga sa kanyang gift ang Delany and Friends Productions na nag-sponsor sa kanyang magtrabaho sa kanilang studios sa Canada, 1993.

Bago pa man matapos ang kanyang one year contract, kinuha siyang storyboard artist ng Studio B.

Doon na niya sinimulan mag-dirihe ng animation at nakilala ang kanyang mahal sa buhay na si Claire at nagkaroon ng dalawang anak – sina Jason at Edward. Bukod sa pamilya, naging inspirasyon din niya ang ina na si Norma Soriano kaya labis-labis ang kanyang pasasalamat sa kanila.

Ang kanyang sigla at init sa propesyon ay nagdala sa kanya sa iba-ibang bansa.

Sa Vancouver, Cinar at Nelvana sa Toronto, Canada; Moonscoop at Toonzone sa Los Angeles, USA at Europe.

Nung mid-90s, nagtrabaho siya bilang storyboard artists sa Brown Bag sa Ireland para sa “Peter Rabbit” at sa Italy at Timing para sa “Royal Academy” Trailer lalo na sa Pilipinas.

Nanawagan siya sa mga kababayan sa Pilipinas at Pinoys sa diaspora na suportahan ang Pinoy animators at ang kanilang mga likha at panoorin sa Hulu streaming platform para makita ang world class talents at skills ng maraming Filipino animation artists.

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.