Nationwide ground stop, ipinatupad ng FAA sa buong United States

Nationwide ground stop, ipinatupad ng FAA sa buong United States

November 14, 2026•1 min read

PHOENIX, Arizona — Ipinatupad ng Federal Aviation Administration o FAA ang nationwide ground stop sa lahat ng paliparan sa Estados Unidos nitong Biyernes, November 13, kasunod ng malawakang aberya sa air traffic control communication system.

Ayon sa FAA advisory, lahat ng papaalis na eroplano ay kailangang manatili sa lupa hanggang sa susunod na abiso, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero at aircraft.

Apektado ng aberya ang 22 regional air traffic control centres sa bansa.

Ang mga eroplanong nasa himpapawid na ay pinapayagang lumapag, habang ang mga international flights na papasok sa Estados Unidos ay hiwalay na susuriin.

Mga larawan na kuha sa Kansas City Airport./Dong Robles

Libo-libong flights ang naantala o nakansela, habang maraming pasahero ang napilitang maghintay sa mga paliparan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng FAA ang sanhi ng communication failure.

Ayon sa Department of Homeland Security, wala pang ebidensiyang nagpapatunay na ang aberya ay dulot ng cyberattack.

Sa ngayon, wala pang tiyak na oras kung kailan ganap na maibabalik ang normal na operasyon ng mga flights sa buong bansa.

The Filipino Correspondent Network

The Filipino Correspondent Network

From Europe to the Middle East, the US to Asia Pacific and beyond —our seasoned correspondents bring you the latest in community, national, and global news

Instagram logo icon
Youtube logo icon
Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.