Mag-asawang Pinoy At Sanggol Sa Sinapupunan Patay Sa Salpukan ng Sasakyan Sa Northern Ireland

Mag-asawang Pinoy At Sanggol Sa Sinapupunan Patay Sa Salpukan ng Sasakyan Sa Northern Ireland

January 14, 20261 min read

NORTHERN IRELAND, UK—Nasawi ang Pinay nurse na si Cathrene Kith Singco at ang pitong buwang sanggol na kanyang ipinagbubuntis matapos magsalpukan ang kanilang sasakyan at isa pang kotse sa Nutts Corner sa Crumlin, Co Antrim nitong Linggo, 11 Enero.

Binawian din ng buhay sa ospital ang mister ni Cathrene na si Ralph Anthony, isang care assistant, nitong Martes, 13 Enero.

Naganap ang trahedya ilang araw matapos magdiwang ng mag-asawang Singco ng kanilang ika-anim na wedding anniversary noong Sabado.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya sa social media, maging ang tulong pinansiyal para sa pagpapauwi ng kanilang mga bangkay sa Davao City.

Gaganapin ang prayers of reception sa St. Vincent De Paul Church, Ligoneil sa ika-20 ng Enero na susundan ng overnight vigil at Requiem Mass sa susunod na araw.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng Collision Investigation Unit ng Police Service of Northern Ireland sa insidente.

Para naman sa nais magpaabot ng tulong, maaring mag-donate sa link na ito: https://gofund.me/839720baa

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.