new-pnp-chief-nartatez

Police Gen. Nicolas Torre III, Sinibak; Gen. Nartatez Bagong PNP Chief

August 26, 20252 min read

MANILA—May bago nang PNP Chief---si Police Gen. Melencio Corpuz Nartatez Jr. Itinalaga siya ni Pang. Marcos matapos iutos ang pagsibak kay Police Gen. Nicolas Torre III sa isang order na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin at may petsang 25 August 2025.

relieve-order-torre-pnpchief

Parehong petsa rin ang dokumentong nagtatagala naman kay Nartatez na kapalit ni Torre at pirmado naman ni Pang. Marcos.

marcos-order-new-pnpchief-nartatez

Nitong Lunes, 25 August, magkasama pa sina Gen. Torre at Pang. Marcos sa paggunita ng National Heroes' Day sa Libingan Ng Mga Bayani sa Taguig City.

torre-marcos-national-heroes-day

Sa isang press conference, umaga ng 26 August 2025, sinabi ni Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, sina naging mahirap na desisyon ang ginawa ng pangulo na sibakin si Torre.

"The President believes that his national security apparatus must always work within the framework of the law. With the recent developments, the president was presented with the facts and he determined that the best course of action is to uphold the role of Napolcom as it was intended by law. As part of this resolution, the President decided to relieve Police Gen. Torre," ayon sa binasang pahayag ni Remulla.

Kamakailan ay nagkairingan sina Torre at Napolcom o National Police Commission, na pinamumunuan ni DILG Sec. Remulla.

Kaugnay ito ng ilang balasahan sa PNP na inutos ni Torre, kabilang ang re-assignment ni Nartatez para maging police commander sa Western Mindanao.

Si bagong PNP Chief Nartatez ang dating Deputy Chief for Administration ng PNP at tinuturing na no. 2 man ng PNP.

Pero, ayon kay Remulla, pinawalang-bisa ng Napolcom ang inutos ni Torre na balasahan sa PNP.

Paliwanag pa ng kalihim na ang pagsibak kay Torre ay pasya ng pangulo para sa umano'y gusto nitong "re-direction" sa PNP.

Nilinaw din niya na walang nilabag na batas si Torre at wala siyang kasong kriminal o administratibo.

Agad din na nanumpa bilang bagong PNP Chief si Nartatez.

Samantala, ayon pa kay Remulla, may direktiba na sa kanila ni bagong PNP Chief Nartatez si Pang. Marcos na magprisinta sa loob ng isang buwan ng isang komprehensibong istratehiya para sa seguridad ng mga mamamayan sa kani-kanilang komunidad.

Photos: PNP Facebook

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.