
PBC Abu Dhabi matagumpay na nagdaos ng Business Start-Up Course
Matagumpay na isinagawa ng Philippine Business Council (PBC) Abu Dhabi ang Business Start-Up Crash Course na dinaluhan ng mahigit 20 Pilipinong negosyante mula sa iba’t ibang industriya.
Layunin ng programa na bigyang-kaalaman ang mga OFW sa pagsisimula at pagpapalago ng negosyo, kabilang ang financial strategies, branding, at sustainable business development.
Nagbahagi ang mga kalahok ng kanilang mga karanasan at plano sa negosyo, at itinuring ang programa bilang malaking hakbang tungo sa pag-asenso sa kabila ng pagiging OFW.
TFCN
Your news. Your story. Your network