
Pinay Kasambahay Sa Italy Kinasuhan Sa Pagnakaw Ng €20,000 Halaga Ng Alahas
ROME, Italy—Inireklamo ang isang Filipina domestic worker sa mga awtoridad dahil umano sa pagnanakaw ng mga alahas mula sa bahay ng kanyang pinaglilingkuran sa Monte Mario, Rome.
Tinatayang nagkakahalaga ng €20,000 ang mga nawawalang alahas.
Ayon sa ulat ng ANSA o Agenzia Nazionale Stampa Associata at Roma Today, kinasuhan sa tanggapan ng Prosecutor’s Office sa Roma noong Oktubre 29, 2025 ang 50-anyos na Filipina ng aggravated theft o pagnanakaw.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis o carabinieri ng Stazione di Roma Monte Mario, nakuha ng kasambahay ang mga mamahaling alahas sa loob ng isang buwan mula sa tahanang kanyang pinaglilingkuran.
Nagtrabaho ang Filipina sa isang apartment sa Via Giulio Salvadori.
Cover image courtesy: ANSA

