pinoy-nurse-in-milan-awarded

Filipino Registered Nurse Sa Milan Pinarangalan Ng Italian Nursing Association

September 12, 20252 min read

MILAN, Italy—Mula Batangas, matapang na nakipagsapalaran sa Italy ang Filipino nurse na si Jay Edi Cipres at matagumpay na nagtatrabaho ngayon sa Milan bilang isang registered nurse.

May 15 taon na ang nakalipas nang dumating sa Italya si Jay, nagtyagang nag-aral ng Italian language, nag trabaho bilang caregiver at nagtapos ng kursong nursing sa Italya.

Nakapagtapos din si Jay ng BS Nursing sa Perpetual Help College of Manila.

Noong nakaraang Hulyo, binigyan ng parangal si Jay, 37, ng National Confederation of Nursing Associations of Italy (CNAI) ng Nursing Now Award sa Roma bilang isa sa mga magaling na nurse sa Italy.

pinoy nurse award italy

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Jay sa Milan sa Pronto Soccorso ( Emergency Room) sa Ospedale di Saronno at Istituto Clinico Città Studi (ICCS) Reparto di Solvenza.

“Hindi ko rin ineexpect na makukuha ko yung prestigious na award. Ginagawa ko lang naman yung work ko ng ayos. Pero ang maapreciate at makarating sa mataas na antas, bonus na yun. Isang napakalaking karangalan ito hindi lng para sa kín, gây undin din sa libo-libong filipino nurses na nagwowork dito sa Italy. Patuloy kong itataas ang tingin ng ibang lahi sa ating mga Pilipino,” sabi ni nurse Jay sa panayam ng The Filipino Correspondent Network, TFCN.

Kumukuha ngayon si Jay ng Masters degree ng Coordinamento Sanitario at inaasahang makagraduate sa susunod na buwan ng Oktubre.

Mensahe ni Jay sa mga kabataang Pinoy na maging mas matiyaga sa pag-aaral para makapagtapos sa unibersidad.

“You guys need to invest your time to education, iba pa rin ung nakakatapos ng college. Marami kasi sa mga kabataan ngaun ang mas pinipiling mag-work agad. Alam ko na mahirap mag-universita pero ma-harvest naman nila ang paghihirap sa pag-sarap kapag nakatapos sila ng College. Make your parents proud! Magiging proud lang parents nyo kapag nakatapos kayo ng pag-aaral,” sabi ni nurse Jay.

“Di biro yung dinanas at pagsusunog ko ng kilay nung college ako hanggang sa makatapos ako. Laking lolo at lola ako. Salat man kami sa yaman, ay pinunan nman nila ako ng pagmamahal at pangaral na hanggang ngaun ay nai-a-apply sa pang araw-araw kong pamumuhay, lalo na sa trabaho. Maging mabait at irespeto ang bawat isa ano man ang antas, kasarian at estado sa buhay,” dagdag ni Jay.

Photos: Jay Edi Cipres Facebook

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.