pinoy-pilgrims-canonization

Pinay Pilgrim Sa Vatican: “I Felt Incredibly Blessed to Witness the Canonization of St Carlo Acutis”

September 08, 20253 min read

VATICAN City—Dumayo pa sa Rome mula London ang Pinay pilgrim na si Mirasol McAllister para masaksihan ang araw ng canonization ni St Carlo Acutis, na tinatawag na ‘God’s influencer’ o ang unang millennial saint.

Sa panayam ng TFCN, sinabi ni Mirasol na isa syang parishioner ng Our Lady of Dolours sa Fulham Road, London, kung saan bininyagan si St Acutis.

pinay pilgrim1

Photo: Mirasol McAllister

“It was a truly remarkable experience to be present in Vatican during the Saint Carlo Acutis event, and I felt incredibly blessed to witness it. As a parishioner of Our Lady of Dolours in Fulham Road, London, where Saint Carlo Acutis was baptized, I was filled with joy to witness this amazing event with so many attendees,” ayon kay Mirasol, na tubong Davao City.

Anya, isang magandang halimbawa si St Acutis bilang influencer ng nga kabataan.

“Saint Carlo Acutis serves as a wonderful role model for our younger generations. My deepest prayers and intentions are focused on my children and grandchildren, hoping they embrace humility, live with honesty, and practice their faith, so they may become God-fearing individuals,” dagdag pa ni Mirasol.

Isa pa anyang bonus na masaksihan si Pope Leo XIV na nakisalamuha sa mga pilgrim sa St Peter Square pagkatapos ng canonization rite.

“I was fortunate enough to see the Pope during his rounds following the canonization,” sabi ni Mirasol.

Ipinanganak sa London at lumaki sa Milan si St Acutis at tumulong syang mapalaganap ang Catholic devotion sa pamamagitan ng digital media, tulad ng Eucharistic miracles and Marian apparitions.

Samantala, bigo namang masaksihan nang personal ng mag-asawang millenial devotees na sina Nikka at Jave Penaranda ang canonization ni Saint Carlo Acutis na orihinal na itinakda ng Vatican noong Abril dahil sa pagyao ni Pope Francis.

pinoy pilgrim2 couple

Photo: Nikka & Jave Penaranda

Sa kabila nito, itinuloy pa rin nila ang pagpunta sa Vatican para makiramay sa pagkamatay ng Santo Papa., at nakiramay sa pagkamatay ni Pope Francis, kung saan unang nakapanayam ng TFCN ang mag-asawa noong Abril 2025.

Sa panayam ng TFCN kina Nikka at Jave noong Abril, ikinuwento nila ang pagbisita sa himlayan ni St Acutis, na tinatawag ngayong ‘influencer Saint’ sa Chiesa di Santa Maria Maggiore sa Assisi, bagamat bawal kumuha ng litrato sa loob ng simbahan.

“Hindi man po kami nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa canonization ni Blessed Carlo Acutis, honoured pa rin po kami na nabisita namin ang tomb nya noong pumunta kami sa Italy at nakita namin sya na nakahimlay sa Assisi,” ayon kay Nikka sa isang panayam sa telepono sa araw ng canonization ni St Acutis ngayong Linggo.

“It was an out-of-this world experience because we felt like we too, have seen heaven. He looks like an angel, radiating peace and calmness towards us. Ang sarap po sa pakiramdam na nakalapit po kami sa kanya, nakakakilabot, nakakaiyak at nakakainspire. Our realisation was pwede palang maging santo kahit anong edad or estado,” dagdag ni Nikka.

Ipinagdasal din nilang mag-asawa na mapanatiling matibay ang kanilang relasyon.

“Bilang catholics, it is a privilege to know the stories of holy people like him because we hope that we will also be closer to Jesus by imitating his prayer life. As husband and wife, we pray that our experience will strengthen our relationship and our prayer lives further and we pray that God will help us offer our life to Him through attending mass, praying the rosary and serving Him just like what St. Carlo Acutis did.”

Anya, nakatulong din na maging matibay ang kanilang spiritual life o pananalig sa Diyos.

“Kasama na rito ang pagiging millennial niya like us- he did not separate his non-secular activities with his spiritual life. Instead he used his skills to serve the Lord until the last days of his life, proclaiming the good news and miracles of Jesus to bless others. Astounding talaga! Dahil dito, namomotivate din po kaming mag work towards faith namin lalo dahil sa sinabi nya na prayer through rosary and eucharist is the highway to heaven.,” ayon pa kay Nikka.

Cover photo: Alona Cochon

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2025. All Rights Reserved.