
Shining Liwanag On Your Rights: Gipit Sa Paris
Dear Atty. Liwanag,
Sana po maliwanagan ninyo ang aking suliranin tungkol sa utang na pera. Ako po ay umutang sa isang kaibigan ko dito sa Paris, pareho kaming nagtatrabaho rito.
Ginamit ko po ang pera sa maliit na negosyo, pero nalugi ito nang magsimula ang COVID.
Hindi ko naman po ginusto na hindi mabayaran ang utang, pero medyo malaki po kasi — umabot ng kalahating milyong piso. Noong nakaraang taon, umuwi na siya sa Pilipinas at doon nagsampa ng kaso sa Bacolod City laban sa akin para singilin ang utang.
Pwede po ba iyon, Attorney? Dito naman sa Paris nangyari ang utang at ang negosyo, hindi naman sa Pilipinas.
Salamat po.
– “Gipit sa Paris”
**********************************************************
Dear Gipit sa Paris,
Sacre bleu! Salamat sa sulat, kahit tila sa “City of Love” ay naging City of Debt ka muna ngayon. Don’t worry — andito si Atty. Liwanag to bring a little liwanag to your Parisian predicament.
Let’s discuss what I call the legal croissant of truth about your problem. Kahit po mukhang komplikado dahil may amoy-European ang transaksyon, simple lang po ang batas natin.
To put your story simply, ang tanong mo ay: “Pwede bang mag-file ng kaso sa Pilipinas ang kaibigan ko, kahit dito sa Paris nangyari ang utang at ang pagkalugi?”
Ang sagot: Yes, puwedeng-puwede!
Bakit? – jurisdiction. Sa ilalim ng ating Rules of Court, ang mga personal actions (tulad ng collection of money) ay maaaring i-file kung saan nakatira ang nagde-demand o ang dine-demanda sa oras ng filing. Dahil pareho kayong Pilipino, at ang kaibigan mong nag-demanda ay nakatira na ulit sa Bacolod, may karapatan siyang magsampa ng kaso doon. Walang “exclusive jurisdiction” ang France sa utang ninyo.
Tungkol naman sa batas na i-aapply, dito papasok ang Private International Law. Karaniwan, kung parehong Pilipino ang sangkot, Philippine law pa rin ang susundin kahit sa abroad naganap ang transaksyon. Kaya kahit sa ilalim ng Eiffel Tower pa nangyari ang inyong usapan, ang Civil Code of the Philippines pa rin ang magre-regulate sa utang.
Ngayon, tungkol sa inyong depensa — tama, maaaring isiping Force Majeure (o fortuitous event) ang COVID-19. Ngunit tandaan na hindi awtomatikong nabubura ng pagkalugi ng negosyo ang utang. Ang Force Majeure ay nakakapag-alis lang ng liability kung direktang pinigilan ng pangyayari ang mismong pagbabayad (halimbawa, nasunog ang pera o na-freeze ang bank account dahil sa lockdown). Pero kung nalugi lang ang negosyo kung saan ginamit ang pera, utang pa rin iyon sa mata ng batas.
Sa madaling sabi, ang COVID ay maituturing na dahilan ng pagkalugi — hindi ng pagkalimot magbayad.
Ang payo ko sa mga ganitong sitwasyon:
Huwag balewalain ang kaso. Kahit nasa abroad ka, dapat kang mag-file ng Answer sa korte sa Pilipinas. Kung hindi, puwedeng maglabas ng default judgment laban sa iyo. I urgently advise you to seek assistance from a lawyer to represent you in this case.
Makipag-ayos. Bago pa umabot sa litigation, makipag-usap sa kaibigan mo. Ipaliwanag ang sitwasyon, at magmungkahi ng payment plan. Mas mura at mas madali ito kaysa sa abogadong cross-continent.
Sa dulo, hindi mo kailangang problemahin kung saan nangyari ang utang — ang dapat mong harapin ay paano mo haharapin ang kaso.
Good luck, at sana bago ka maging “Gipit sa Pilipinas” sa City of Smiles, makahanap ka muna ng Liwanag sa Paris sa City of Love.
And that, my friend, is the law. Boom! I’m out.
Warmly,
Atty. Liwanag
(This column is for general educational discussion only and does not constitute legal advice. Each case depends on specific facts and evidence. Please consult a lawyer for proper legal guidance.)
For comments and suggestions, e-mail TFCN at [email protected].

Meet Atty. Erick Liwanag (yup, Liwanag talaga — kasi laging may liwanag sa mga legal dilemmas mo!). Siya ‘yung tulay between confusion and clarity. Forget the boring law books and nosebleed terms — si Atty. Liwanag explains the law in plain, real-world language na maiintidihan ng kahit sino. Hindi man siya superhero (‘di daw pumasa sa Bar ang kanyang kapa 😀), he’s got something better — sharp wit, solid legal know-how, at ‘yung chill na energy ng taong gusto lang magbahagi ng liwanag sa batas, na walang sakit sa ulo.💡⚖️

