
SHINING LIWANAG ON YOUR RIGHTS | “Isang Gabi sa Boracay, Isang Buhay na Nakasalalay: Takot, Katotohanan, at Pananagutan”
Letter of the Week: “Boracay Quickie”
Dear Atty. Erick,
Tawagin niyo na lang po akong Chona, taga-Brisbane. Dalawang taon na kaming kasal ni Wayne, ang high school sweetheart ko. Maayos ang pagsasama naming dito sa Australia, pero ayaw pa ni Wayne magka-anak dahil gusto muna niyang mag-ipon.
Noong nakaraang Pasko, nag-Boracay kami kasama ang mga kaibigan. Noong Christmas Eve, sa gitna ng beach party at kalasingan, nakilala ko si Diego, isang Spanish expat. Sa sobrang saya at epekto ng alak, bumigay ako at nagkaroon kami ng "quickie" sa isang madilim na bahagi ng beach. Walang nakapansin dahil mabilis lang ang nangyari.
By mid-March po, nalaman kong buntis ako. Regular kaming may "sex" ni Wayne kaya hindi ko alam kung sino ang ama. Atty., natatakot ako. Paano kung lumabas na "Hispanic" ang bata at hindi mukhang Pinoy gaya namin ni Wayne? Gusto ko sanang ipalaglag ang bata nang hindi nalalaman ni Wayne. Ano po ang gagawin ko?
Lubos na gumagalang,
Chona ng Brisbane
******************************
Dear Chona,
Oh dear, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon mo—legal, moral, at personal lahat sabay-sabay.
Unahin natin ang legal side.
Sa ilalim ng Philippine law, ang abortion ay illegal. Walang exception na “secret lang” o “personal choice” sa batas natin—may criminal liability iyan. Kung sa Australia ka naman magpapagawa, iba ang legal framework doon at maaaring mas liberal, pero kailangan mong alamin ang local laws at medical requirements kung doon mo balak gawin. Hindi ito simpleng desisyon na itatago lang—may legal at medical implications na dapat mong pag-isipan.
Ngayon, tungkol sa bata.
Kung ipapanganak mo ang bata habang kasal kayo ni Wayne, may presumption sa batas na siya ang ama. Legitimate child ang tingin ng batas, kahit may duda ka privately. Para ma-challenge iyon, kailangan ng legal action at ebidensya (tulad ng DNA test). Hindi ito automatic na magbabago dahil lang sa hitsura ng bata.
Kung sakaling si Diego ang ama, may obligasyon siya sa support—pero ang practical reality: mahirap i-enforce kung nasa ibang bansa at walang malinaw na legal action.
Ngayon, iwanan natin sandali ang batas at pupunta tayo sa mas mahalagang tanong: ano ang kaya mong panindigan?
Gusto mong magpalaglag nang hindi nalalaman ng asawa mo. Ibig sabihin, hindi lang ito tungkol sa pregnancy—ito ay tungkol sa isang sikreto na dadalhin mo habang buhay. Ngayon, tanungin mo ang sarili mo: kaya mo bang itayo ang marriage ninyo sa isang bagay na ganito kabigat?
Kung itutuloy mo ang pagbubuntis, may isa ka pang mahirap na desisyon: sasabihin mo ba ang totoo, o mananahimik ka at aasang hindi lalabas ang tanong?
Chona, walang “clean” na option dito. Lahat may consequence.
Pero isang bagay ang malinaw: may buhay na nakataya, at may katotohanang hindi mo matatakasan habambuhay. Ang batas may sagot sa paternity at support. Pero ang tanong ng konsensya—ikaw lang ang makakasagot.
Kung kaya, huwag mong harapin ito mag-isa. Kausapin ang isang doctor, at kung kakayanin mo, isang counselor. At oo—darating ang punto na kailangan mong magdesisyon kung haharapin mo si Wayne nang buo ang katotohanan, o pipiliin mong itago ito at dalhin ang bigat sa puso mo, habang buhay.
Hindi ito tungkol sa isang gabi sa Boracay. Ito ay tungkol sa susunod na mga taon ng buhay mo. Harapin mo ang bukas nang may pananagutan at may Liwanag.
Gumagalang,
Atty. Erick Liwanag
(Ang kolum na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi kapalit ng payong legal. Para sa partikular na sitwasyon, kumunsulta sa angkop na abogado sa inyong hurisdiksyon.)
Safe abortion information and support can be found through organisations like the Philippine Safe Abortion Advocacy Network (PINSAN) or safe2choose.
For comments and suggestions, e-mail TFCN at [email protected].

Meet Atty. Erick Liwanag (yup, Liwanag talaga — kasi laging may liwanag sa mga legal dilemmas mo!). Siya ‘yung tulay between confusion and clarity. Forget the boring law books and nosebleed terms — si Atty. Liwanag explains the law in plain, real-world language na maiintidihan ng kahit sino. Hindi man siya superhero (‘di daw pumasa sa Bar ang kanyang kapa 😀), he’s got something better — sharp wit, solid legal know-how, at ‘yung chill na energy ng taong gusto lang magbahagi ng liwanag sa batas, na walang sakit sa ulo.💡⚖️

