
SHINING LIWANAG ON YOUR RIGHTS | Marriage in Silence: When “Undetectable” Still Means Undisclosed
Letter of the Week: “Broken in Belfast”
Dear Atty. Erick,
Sumusulat po ako mula sa Belfast, Northern Ireland. Bagong kasal lang po ako—isang Pinay na sumunod dito sa asawa kong nurse para magsimula ng bagong buhay gamit ang isang spouse visa.
Pero Atty., gumuho ang mundo ko nitong nakaraang mga buwan. Nalaman ko po sa isang third party na HIV positive pala ang asawa ko. Noong kinonfront ko siya, hindi naman siya tumanggi. Inamin niyang matagal na niyang alam pero itinago niya dahil “Undetectable” naman daw siya. Ang sabi niya, dahil undetectable ang viral load niya, hindi na raw ito nakakahawa.
Atty., pakiramdam ko ay trinaydor ako. Ilang beses kaming may nangyari bilang mag-asawa na walang proteksyon. Takot na takot ako para sa kalusugan ko, pero higit doon, galit ako dahil ang pundasyon ng marriage namin ay isang malaking kasinungalingan. Gusto ko na siyang iwan at tapusin ang kasal na ito.
Ang inaalala ko lang po ay ang status ko rito. Siya po ang may work permit at dependent lang ako. Kung hihiwalayan ko ba siya o ipapa-annul ang kasal, made-deport ba ako pabalik ng Pilipinas? At maaapektuhan ba ang pagiging nurse niya rito dahil sa sakit niya?
Lubos na gumagalang,
Broken in Belfast
******************************
Dear Broken in Belfast,
Oh dear—what you’re feeling is valid. This isn’t just fear—it’s betrayal. And before we even touch the law, let me say it loud and clear: being “undetectable” does not excuse non-disclosure, especially in marriage. Trust is not optional.
Consent—especially sexual consent—must be informed.
Now, let’s separate the emotional storm from the legal realities.
Tama naman ang asawa mo at totoo na medically accepted na ang konsepto ng U=U (Undetectable = Untransmittable). Ibig sabihin, kung talagang undetectable ang viral load, napakababa hanggang halos wala ang risk ng transmission. Pero teka lang, mag-Atty. mode muna tayo sandali para sabihin na ang “U=U” ay medical principle—hindi yan lisensya para magsinungaling sa asawa.
Sa batas at sa moralidad, may obligasyon ang isang taong alam ang kanyang HIV status na ipaalam ito sa kanyang mapapangasawa. Hindi dahil “nakakahawa” o hindi, kundi dahil may karapatan kang magdesisyon nang may buong kaalaman, lalo na pagdating sa katawan, kalusugan, at pag-aasawa.
Kaya naman, kung ang kasal ninyo ay ginawa sa ilalim ng batas ng Pilipinas, malinaw ang Family Code dito. Ang pagtatago ng isang malubha at walang lunas na sexually transmissible disease na umiiral na bago ang kasal ay isa sa mga grounds for annulment. Hindi mahalaga kung undetectable siya ngayon. Ang mahalaga ay alam niya noon, at pinili niyang manahimik. And that silence matters most.
Ang kasal kasi ay isang kontrata. At ang kontratang pinasok sa pamamagitan ng panlilinlang ay puwedeng ipawalang-bisa.
Tungkol naman sa visa at deportation. Ito ang pinaka-kinatatakutan mo ngayon, pero gusto kong ipaalam sayo na hindi automatic ang deportation kapag naghiwalay kayo o nagpa-anul ka.
Sa UK, may mga legal remedies para sa mga dependent spouse na napunta sa sitwasyong may deception o abuse of trust. Posibleng may opsyon kang mag-apply para sa leave to remain under exceptional circumstances. Hindi ito automatic, oo—but hindi ka helpless.
Huwag kang basta uuwi o magdesisyon nang hindi muna kumukunsulta sa immigration solicitor sa UK. Mahalaga ang timing at tamang hakbang dito.
Lastly, on your husband’s career. HIV status alone is not a ground for revocation of his nursing license or work permit. The UK treats HIV as a medical condition protected by privacy and anti-discrimination laws. However—and this is important—professional consequences may arise if there is proven dishonesty in matters affecting patient safety or personal conduct.
Pero hiwalay ang usapin ng kanyang sakit sa usapin ng katapatan bilang asawa.
Ang batas ay hindi basta-basta humahatol sa karamdaman—pero ang
pagsisinungaling ay ibang usapan.
Ang payo ko sa’yo—
Magpa-test ka na agad—not out of panic, kundi out of prudence at para sa sarili mong kapayapaan ng isip. Kumuha ka ng dalawang abogado: isa sa family law (para sa annulment sa Pilipinas), at ikalawa para sa immigration law (para sa status mo sa UK).
At higit sa lahat, bigyan mo ang sarili mo ng pahintulot na masaktan. Hindi lang ito takot sa sakit—ito ay pagdadalamhati sa kasal na akala mo ay totoo. Hindi rin ito usapin ng paghusga sa isang taong may HIV. Ito ay usapin ng katotohanan, pahintulot, at dignidad—mga bagay na ipinagkait sa’yo.
Anuman ang piliin mong landas, siguraduhin mong ito ay desisyong ginawa mo nang may buong liwanag, hindi sa ilalim ng lihim.
Nandito lang ako.
Lubos na gumagalang,
Atty. Erick Liwanag
(Ang kolum na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi kapalit ng payong legal. Para sa partikular na sitwasyon, kumunsulta sa angkop na abogado sa inyong hurisdiksyon.)
For comments and suggestions, e-mail TFCN at [email protected].

Meet Atty. Erick Liwanag (yup, Liwanag talaga — kasi laging may liwanag sa mga legal dilemmas mo!). Siya ‘yung tulay between confusion and clarity. Forget the boring law books and nosebleed terms — si Atty. Liwanag explains the law in plain, real-world language na maiintidihan ng kahit sino. Hindi man siya superhero (‘di daw pumasa sa Bar ang kanyang kapa 😀), he’s got something better — sharp wit, solid legal know-how, at ‘yung chill na energy ng taong gusto lang magbahagi ng liwanag sa batas, na walang sakit sa ulo.💡⚖️

