
Shining Liwanag On Your Rights: Huli Sa Biyahe
Dear Atty,
Dito po ako nag-work sa Singapore, 16 years na po ako dito. Single at 38 years old na. Gusto ko rin sana mag-asawa pero masyado na focus sa trabaho ko. Kaya bago pa mahuli sa biyahe, nag-join ako sa dating App at doon ko nakilala si Mihai, 27 years old na Romanian. Hindi pa kami nagkita personal pero nag-video call naman kami palagi.
Na in-love na ako sa kanya kahit di pa nagkita, Atty. Mabait naman sya kausap at super gwapo nya kasi kaya nahulog loob ko. Balak namin magpakasal pag nakapunta sya sa Pilipinas, kanya lang po wala daw sya work ngayon kaya ako nag-ipon pamasahe. Usapan namin na magkita doon sa New Year kaya nag file na daw sya ng visa doon sa Philippine Embassy sa Bucharest. Ako po lahat ng gastos non pati pamasahe nya papunta embassy kasi sa Braila sya nakatira at malayo daw yon sa Bucharest.
Pero nitong nakaraang mga 3 months na, nag-request sya na mag video seks daw kami. Noong una parang nailang ako at hindi naman po ako ganun, pero napilitan na rin ako kasi mahal ko din sya at ayaw ko sya magalit sa akin. Ilang beses na po namin ginawa yon Atty.
This last 2 weeks, nanghingi ulit sya ng pera para i-follow up ang visa nya at kailangan din daw nya ng extra mag pa-checkup sa doktor para daw ready na sya pag flight na nya. Ang kaso Atty, ang magulang at kapatid ko ay na-apektuhan ni Uwan, kaya halos lahat ng ipon naipadala ko sa kanila. Nagtampo at nagalit sa akin si Mihai kasi di ako nakapag bigay ng pera. One week na di nya ako kinausap hangga’t di daw ako magpadala ng pera kasi daw di ko daw sya mahal pag di ako nagpadala.
Ayaw ko sya mawala sa buhay ko. Tsaka natatakot lang ako baka kasi na record nya at gamitin yong mga video seks namin. Ano po kaya mabuti ko gawin, Atty? Parang gusto ko na lang umutang para mabigyan sya ng pera.
Umaasa ng tulong,
Huli sa Biyahe
*********************************************
Dear Huli sa Biyahe,
Oh dear.
Unang-una — hindi ka tanga, hindi ka mahina, hindi ka “huli sa biyahe” dahil lang naghanap ka ng pagmamahal. Normal at makatao ang hangad mong may makatabi, may kausap, may magmamahal. Ang problema lang, hindi lahat ng “mabait,” “gwapo,” at “sweet” online ay totoo ang intensyon sa personal na buhay. At sa kaso ni Mihai, hindi ito love story — ito ay perfect recipe ng romance scam with a side dish of possible sextortion.
Tingnan natin ang nangyari.
Ayon sayo hindi pa kayo nagkikita in person, humihingi siya ng pera palagi at may kasamang guilt-tripping, at nung hindi ka nakapagpadala dahil kailangan ng pamilya mo, nagalit siya at tumigil makipag-usap. Hindi yan tampo — yan ay textbook manipulation. Tapos, nag-request ng video sex — hindi para sa intimacy, pero para may hawak siya sayo. Ibig sabihin, may posibilidad na na-record ang mga iyon, at gagamitin kung hindi ka magpadala ng pera.
‘Yan po nakatitig na sayo ang senaryo ng sextortion. Hindi yan love. Hindi yan pagsuyo. Ito ay pangingikil na naka-costume bilang “romantic handsome foreign boyfriend.”
Kaya ito ang mga konkretong hakbang na dapat mo ng gawin ngayon, kalmado lang at hwag padalos-dalos:
1. Huwag ka nang magpadala ng kahit piso. Walang explanation, walang justification.
2. I-save mo lahat ng screenshots, remittances, chats.
3. Huwag mo siyang awayin o bantaan; kung magbanta sayo, sagutin mo ng isang sentence lang, ganito: “Ang pag-save o pag-share ng private intimate content ay krimen sa Pilipinas, Singapore, at EU. Pwede kang ma-REPORT sa mga Cybercrime Units ng polisya and INTERPOL.”
4. Block. Move. Silence.
Alam kong masakit. Kasi kahit scam yan, totoo ang naramdaman mo. Pero kahit sa totoong pag-iibigan, the price we pay for love is to open ourselves to disappointments because it is worth it. At doon tayo madalas masugatan — hindi sa pera, kundi sa pangarap na akala natin natagpuan na. Pero mas masakit ang patuloy na pagpapakahulog sa isang tao na ang habol lang ay wallet mo at hindi puso mo. Hindi mo kailangan umutang para “patunayan” ang pagmamahal. Ang totoong pagmamahal hindi nanggigipit, hindi nang-uutos, at lalong hindi nananakot.
Magdadalamhati ka, oo. Iiyak ka, oo. Pero pagkatapos ng luha — makikita mo na mas mabuti yung sugat na gumagaling, kaysa buhay na unti-unting nauubos.
Now — tungkol sa totoong pag-ibig na hanap mo.
Hindi pa huli para mahalin ka at magmahal. Thirty-eight ka — hindi ito “late stage.” That’s prime. Ito yung edad na malinaw na sayo ang standards mo, at yan ang pinaka-precious sa mga qualities mo.
Kung gusto mong makahanap ng totoong pag-ibig:
Gumising at bumalik ka sa mundo ng totoong tao — hindi sa camera at emoji.
Sumali ka sa communities: church groups, hiking clubs, baking lessons, Filipino community socials. Marami nyan sa Singapore.
Makipag-date sa taong may sariling buhay — hindi yung naghahanap ng sugar mommy.
Love arrives when you are living your life — not when you are financing someone else’s.
At tandaan mo palagi: Love is not urgent. Love does not demand payment. Love does not threaten to disappear.
Ang totoong pagmamahal, hindi mo kailangang idaan sa remittance centre.
Warmly,
Atty. Liwanag
*********************************************
(General information only; if there is an actual threat to release videos, seek assistance from the following cybercrime units:
Romania: Romanian National Cyber Crime Unit at [email protected] or call 004 021 3111579
Singapore: Call 999 if you require immediate assistance from the Singapore Police Force, or visit the nearest Neighbourhood Police Centre (NPC) to speak to a police officer.
Philippines: The NBI Cybercrime Division can be visited at https://nbi.gov.ph/ccd-complaints to file an online complaint.)
For comments and suggestions, e-mail TFCN at [email protected].

Meet Atty. Erick Liwanag (yup, Liwanag talaga — kasi laging may liwanag sa mga legal dilemmas mo!). Siya ‘yung tulay between confusion and clarity. Forget the boring law books and nosebleed terms — si Atty. Liwanag explains the law in plain, real-world language na maiintidihan ng kahit sino. Hindi man siya superhero (‘di daw pumasa sa Bar ang kanyang kapa 😀), he’s got something better — sharp wit, solid legal know-how, at ‘yung chill na energy ng taong gusto lang magbahagi ng liwanag sa batas, na walang sakit sa ulo.💡⚖️

