Tambalang Alex Eala at Venice Williams, nakatakda na ang laro sa Miyerkules

Tambalang Alex Eala at Venus Williams, nakatakda na ang laro sa Miyerkules

June 23, 20262 min read

BAD HOMBURG, Germany — Bagama’t maagang nagtapos ang kampanya ni Alex Eala sa single match sa Bad Homburg Open 2026, bitbit ng Filipina tennis sensation ang isang karanasang hindi niya makakalimutan ang makapareha sa doubles ang isa sa legends sa kasaysayan ng tennis—ang 46-year-old na si Venus Williams.

Ang 21-anyos na si Eala ay makakatambal ang seven times Grand Slam champion sa doubles competition ngayong Miyerkules, 11am EU time.

Para kay Eala, isa itong bihirang pagkakataon upang matuto mula sa isang alamat sa larangan ng sport.

Sa isang panayam sa mga reporters ng The Filipino Correspondent Network TFCN Lunes ng gabi, sinabi ni Eala na “legend ang pinag-uusapan natin dito,” ani Eala. “Kaya naman gusto ko talagang ibigay ang todo todo sa doubles,” dagdag pa ni Eala.

Natalo rin ng Romanian na si Irina Begu si Venus Williams sa lampas na tatlong oras na match samantalang si Alex Eala naman ay natalo ni Elise Mertens sa loob ng two straight sets.

Ayon kay Eala, “Both sets were difficult. Elise is a very experienced player, a veteran also. And I figured it out a couple of times before, and also I have encountered so many challenges. The conditions were difficult for me today. I did the best I could with what I had, and ´I' was proud of how I fought, I'm proud of how I showed up.”

Maraming Pinoy na nagmamadaling lumabas ng trabaho upang mapanood si Eala at Williams sa kanya kanya nilang match, na labis na ikinatuwa ng Filipina star, “tuwang tuwa ako sa mga fans, napakabait, at todong todo ang suporta nila sa akin, kaya gusto kong magpasalamat sa kanila at sa lahat ng mga nanunuod sa akin, kung kababayan man or foreigner, maraming salamat po:”

“Talagang naa-appreciate ko na may mga batang naeengganyo na maglaro ng tennis, dito sa Europe, sa Germany, at maging sa Pilipinas,” ani Eala. “hanapin ninyo kung saan kayo magiging masaya, tennis, football, libro, iyon ang pupursigi mo, yung pagmamahal mo sa sports or pagmamahal mo sa trabaho mo, yun ang mas mahalaga.”

Sa murang edad, nagsisilbi nang inspirasyon si Eala sa maraming kabataang Pilipino. Ang kanyang patuloy na pag-angat sa pandaigdigang tennis ay nagbigay ng bagong sigla sa interes ng mga Pilipino sa isport na matagal nang naghahanap ng bagong mukha sa internasyonal na entablado.

Matapos ang kanyang kampanya sa Germany, agad namang lilipad si Eala patungong London para sa Wimbledon Championships.

Sa kasalukuyan ay nasa World No. 30 si Eala sa WTA rankings, dahilan upang makapasok siya sa pangunahing draw ng Wimbledon, ang pinakaprestihiyosong torneo sa mundo ng tennis.

Maaaring hindi nagtapos ang kanyang paglalakbay sa Bad Homburg sa pamamagitan ng tropeo, ngunit para kay Alex Eala, mas mahalaga ang mga natutunang aral, ang pagkakataong makakasama ang isang alamat ng tennis, at ang inspirasyong naibahagi niya sa susunod na henerasyon ng mga atleta.

(Watch TFCN's interview with Alex Eala by clicking this.)

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.