
Kauna-unahang Pinoy OFW sa GCC na Nakakumpleto ng 6 World Marathon Majors
Isang pangarap na sinimulan noong 2017, ngayon ay ganap nang natupad!
Matagumpay na nakumpleto ni Wayne Mark Elep ang prestihiyosong 6 World Marathon Majors—isang pambihirang tagumpay na iilan lamang sa buong mundo ang nakakamit!
Noong Marso 2025 sa Tokyo, natanggap ni Wayne ang kanyang ika-anim at huling bituin, kaya’t opisyal na siyang kabilang sa eksklusibong grupo ng mga mananakbong matagumpay na nakatapos sa Boston, London, Berlin, Chicago, New York, at Tokyo Marathons. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy OFW mula sa GCC na nakakumpleto ng 6 World Marathon Majors!
Ngunit higit pa sa mga medalya, ang kanyang paglalakbay ay tungkol sa pagbibigay-inspirasyon sa kapwa OFWs at pagpapatunay na sa sipag, tiyaga at determinasyon, walang imposible!
Bilang isang bihasang marathoner, patuloy siyang tumutulong upang magsanay ng mga kapwa OFW na nangangarap tumakbo—maging sila man ay beteranong atleta o baguhan na nais baguhin ang kanilang lifestyle at maging malusog sa pamamagitan ng pagtakbo.
Mabuhay ka, Kabayan!
TFCN
Your news. Your story. Your network