Kristal Talingdan sa DFA: "They are way too late. We don't need them."

Kristal Talingdan sa DFA: "They are way too late. We don't need them."

January 09, 20263 min read

MANILA, Philippines—Mariing inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy ang pag-alalay nila sa Filipino teenager na kasama sa mga nasugatan sa Crans-Montana Fire sa Switzerland noong 01 Enero 2026.

Sa opisyal na pahayag ng DFA na inilabas 09 Enero 2026, sinabi ng tanggapan na ginawa nito ang "timely and continuous action" para kay Kian Kaisser Talingdan.

Ayon pa sa DFA statement, matapos nitong matanggap ang "request for assistance", noon ding araw na nangyari ang sunog, agad nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Berne para i-verify ang kondisyon at kinaroroonan ni Kean, pati na ang patuloy nilang komunikasyon sa ina nitong si Kristal.

Kasunod umano ng opisyal na kumpirmasyon, nakipag-ugnayan na ang embahada sa Philippine Consulate General sa Milan para masiguro ang patuloy na consular assistance matapos ilipad pabalik ng Italy si Kean kung saan siya ngayon ginagamot.

Sa mga panahong iyon, ayon pa sa DFA statement, nagkaloob ng assistance ang kagawaran kasama ng Foreign Service Posts kay Kean, kasabay ng pagrespeto sa hiling umano ng pamilya para sa privacy at pati na rin sa protocols ng ospital.

Gayunman, ang pahayag ng DFA ay taliwas sa personal na sinabi ng mismong ina ni Kean na si Kristal sa mga naunang panayam sa kanya ng TFCN.

Ayon kay Kristal, “Wala naman akong hinihingi sa inyong tulong at least yung moral support yung presence ninyo as Philippine Consulate dyan. Walang gumalaw sa inyo kahit sino. Not even Milan. Kasi Milan ang inabisuhan namin syempre I’m from Milan. Not even Milan Consulate tumawag sa akin. Yung a simple call, you know andun ka e. Ako kaya malakas ang loob ko na tumawag sa kanila kasi I thought pupuntahan nila ako. I thought.”

Dagdag pa ni Kristal, sa halip na konkretong tulong at personal na pakikiramay, limitado lamang umano sa pormal na komunikasyon ang naging tugon ng ilang Philippine posts, na kanyang ikinabigla at ikinasama ng loob.

“Their only concern is for me to give them a declaration for the DFA. That’s their only concern kaya sila tumawag sa akin last time, na inconfirm ko na Filipino citizen si Kean. Icoconfirm ko sa inyo eh alam ninyong Filipino citizen kaya nga ako tumawag sa inyo eh. That’s the main reason, yun nga ang inaano ko kaya ako tumawag sa inyo for help. Kasi Filipino citizen kami. Anong gusto ninyong iconfirm”, kwento ni Kristal.

(I-click ito para sa kaugnay na kabuuang ulat.)

Nang hingan ni TFCN Milan senior correspondent Mye Mulingtapang ng reaksyon si Kristal sa inilabas ngayong pahayag ng DFA, muli niyang iginiit na wala silang tulong na natanggap mula kaninoman sa mga kinauukulang Foreign post.

"Hindi ko alam kung anong help ang binibigay nila. Gingamit nila yung twice na ni-reply ko sa kanila for their own good...Nag-message sila, Ate, I didn't reply back. As I've said Kean is taken good care of by the Italian government I dont think we need them now. They are too much late too late...Throughout is a strong statement when they didn't even bother to come. They are way too late. We don't need them," matapang na sagot ni Kristal Talingdan.

Sa kabila nito, sinuguro ng DFA sa inilabas nitong pahayag na handa silang magbigay pa ng "further assistance" kung kinakailangan.

Back to Blog

© The Filipino Correspondent Network 2026. All Rights Reserved.