GERMANY — Dalawang katao ang patay habang 26 ang napaulat na nasugatan matapos tumaob ang isang tour bus na bumibiyahe mula Milan, Italy patungong Munich, Germany nitong Linggo ng umaga, Setyembre 27.
MILAN, Italy—Labis ang pagkadismaya ni Kristal Talingdan, ang ina ni Kean Kaizer Talingdan, ang Pinoy teen na biktima ng sunog sa Crans- Montana sa Switzerland noong Enero 1, sa umano’y kakulangan ng agarang aksyon at presensya ng Philippine Consulate General sa Milan at Switzerland maging ang Philippine Embassy Sa Berne.
MILAN, Italy—Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang Pinoy teenager na si Kean Kaizer Talingdan, isa sa mga biktima ng sunog sa Crans-Montana, matapos siyang ilipat sa Burn Unit ng Niguarda Hospital sa Milan kahapon, 04 Enero, mula Zurich Hospital para sa mas masusing gamutan.
MILAN, Italy—Kritikal ang kondisyon ng 16-taong Filipinong biktima ng sunog sa isang bar sa Crans-Montana, Switzerland. Nagtamo si Kean Kaizer Talingdan ng matinding paso sa kanyang mukha, kaliwang bahagi ng katawan, dibdib, at binti, ayon sa inang si Kristal Talingdan.